Lalaki, nahulihan ng shabu sa checkpoint

Lungsod ng Lipa, Batangas – Diretso sa kulungan ang suspek na si Oscar Dela Peña matapos na mahulihan ng shabu sa isinagawang checkpoint ng pulisya sa Barangay Lumbang ng lungsod na ito nitong Lunes.

Pasado alas-11:30 ng umaga nang parahin ng mga pulis sa checkpoint ang suspek. Napansin nilang tila kahina hinala ang kinikilos ng suspek kayat kinapkapan nila ito at nasamsam nila ang pitong sachet ng hinihinalang shabu.

Nakakulong na sa Lipa City police station ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

About Jeremaiah Opiniano