Lalaki, nabiktima ng basag-kotse sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Isang 32-anyos na lalaki ang nabiktima ng basag-kotse gang sa Barangay Balintawak nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Sherwin Rey Rodillo, taga-Pinagtong-ulan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-10:30 ng gabi nang ipinarada ng biktima ang kanyang Toyota Yaris na may plate no. na ZSZ-525 sa parking lot ng Central Barbeque Grill.

Kinalaunan ay umalis din sya sa nasabing kainan. Noong una ay hindi pa niya napansin pero pagdating ng Barangay Tambo doon na niya nakitang basag na ang kanayng bintana.

Saglit siyang tumigil para inspeksyunin ang sasakyan doon na niya napagtantong nawawala na ang kanyang ACER laptop na nag kakahalahagang P27,000 pesos at mini Ipod na nag kakahalagang P13,000, kayat agad siyang nag tungo sa himpilan ng pulisya para ipag bigay alam ang nangyaring insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek.

About JENNA RODRIGUEZA