Lalaki, inireklamo ng pambubugbog ng buntis na partner

Lungsod ng Lipa, Batangas – Diretso sa kulungan ang suspek na si Christopher Ravena matapos na ireklamo ng pananakit ng nagdadalantao nitong kasintahan sa Barangay Mataas na Lupa.

Ayon sa report ng Lipa City Police, pasado alas-10 ng gabi nitong Miyerkules, nagpapahinga lamang at matutulog na sana ang biktimang si Lyn Tuca nang bigla na lang dumatin ang suspek at tatlong ulit na sinampal ng tsinelas ang biktima. Hinampas rin niya ang ulo nito.

Agad namang nagsumbong sa pulis ang biktima na humantong sa pagkakaaresto ng suspek habang dinala naman sa ospital ang biktimang buntis para magpa-medical check-up.

Posibeng maharap sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act ang suspek, na ngayo’y nakapiit sa selda ng Lipa City Police Staiton.

About Jeremaiah Opiniano