Lalaki, huli sa trespassing

Lungsod ng Lipa, Batangas – Arestado sa pulisya ang isang 33-anyos na lalaki dahil sa trespassing sa isang bahay sa Barangay Balintawak kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Alvin Dela Cruz,33, taga-Barangay Sabang.

Pasado alas-2:30 ng umaga nang mahuli sa akto ng mga biktimang sila Elizer Estoya at Melvin Santillan na basta na lang pumasok sa kanilang barracks nang hindi nagpapaalam ang naturang suspek. Agad silang nagsumbong sa barangay na humantong sa pagkakaaresto ng suspek.

Nakakulong na sa Lipa City Police Station ang suspek, na nahaharap sa kasong trespassing.

About Jeremaiah Opiniano