Lalaki binaril habang nanonood ng basketball sa Taal

Taal, Batangas – Patay ang isang 64-anyos na lolo matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek habang nanonood ng liga ng basketball sa Barangay Poblacion Zone 6 ng bayang ito nitong Sabado.

Patay sa pamamaril ang biktimang kinilalang si Rodolfo Valencia.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-7:40 ng gabi, nanonood lang ng basketball ang biktima nang biglang dumating ang di pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ang biktima at tsaka tumakas kasama ang isa pang suspek lulan ng motorsiklo.

Agad na isinugod sa pinaka malapit na ospital pero binawian na siya ng buhay habang ginagamot ng doktor.
Nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 baril. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.



About JENNA RODRIGUEZA