Sasakyang umano’y ginamit sa pagnanakaw ng materyales paggawa, narekober

Lungsod ng Lipa, Batangas – Masuwerte namang nabawi ng isang negosyanteng taga-Sariaya, Quezon ang kanyang sasakyang Nissan Bida AUV na di umano’y

Kwento ng biktimang si Guillermo Remo, Jr., pasado alas-2 ng hapon noong Huwebes nang ipagkatiwala niya sa driver at suspek na si Loreto Tanedo ang naturang van na may plakang TCL-590 para magdeliver ng ilang piraso ng tubo na kakailanganin para sa isinasagawang proyekto sa NAIA sa lungsod ng Parañaque.

Laking gulat na lamang aniyang driver nang mabalitaan mula sa project engineer na hindi pala nakarating ang mga ipinadeliver niyang tubo.

Kinabukasan, bandang alas-9 ng umaga ay nakatanggap na lamang ang biktima ng text message mula sa suspek na ,na iniwan di umano niya ang naturang sasakyan sa parking area ng K Pointe.

Agad na nagtungo ang biktima sa naturang lugar para kumpirmahin kung totoong nadoon nga ang kanyang nawawalang sasakyan. At nang mahanap ang van ay doon na siya nagdesisyong ireport ang insidente sa Lipa City Police.

Wala pang inilabas na impormasyon ang mga otoridad kung anong kaukulang kaso ang maaaring isampa ng biktima laban sa tumakas na suspek at kung desidido ba itong maghabla.

About JENNA RODRIGUEZA