Kapitan, sugatan sa pananaga sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Sugatan ang isang barangay captain matapos na pagtatagain ng nag-aamok niyang kabarangay sa Barangay Duhatan nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Nilo Raz.

Ayon sa report ng Lipa City police, bandang alas-8:30 ng gabi nang magtungo sa bahay ng biktima si Eden Cacao na nooy humihingi ng tulong para awatin ang kanyang nagwawalang anak at suspek na si Isagani.

Agad itong pinuntahan ni Raz at pinakiusapan nito ang suspek na sumuko ng mapayapa pero sa halip an sumuko ay pinagtataga ng bolo ng biktima si kapitan.

Agad na dinala sa pagamutan ang kapitan habang nakakulong na ngayon sa himpilan ng pulisya ang nasabing suspek.

About JENNA RODRIGUEZA