Kakaibang timpla ng itlog na maalat

Puti ang kulay ng Lipeños Salted Eggs. Unti-unti, yumayabong ang kakaibang timpla nito

 

 

LUNGSOD NG LIPA—May iniwan si Arnel Isaga dito dahil may naamoy siyang maalat.

Wala namang maalat dun sa kayang isang ektaryang bukirin sa Brgy. San Isidro. Don sa bukid na pinagtatrabauhan ng isang pinsan sa Bulacan, may maalat: itlog na maalat.

Nagmasid si Isaga paano gumawa ng itlog na maalat. Ito ay habang naghihintay siya na umani ang mga gulay niyang tinatanim. Kaya nagtiyaga si Isaga na mag-aral ng isang buwan: namuhunan siya ng P5,000 para sa 500 piraso ng itlog at para sa gastusing transportasyon: inangkat pa mula Bulacan papunta rito sa Lipa ang mga itlog.

 

Sa pagtitiyaga ni Arnel Isaga na magsubok ng kakaibang itlog na maalat, hindi siya inalat. Isang umuusbong na negosyo na puting itlog na maalat —ang Lipeños Salted Eggs— ang inani ni Isaga. (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

Sa pagtitiyaga ni Arnel Isaga na magsubok ng kakaibang itlog na maalat, hindi siya inalat. Isang umuusbong na negosyo na puting itlog na maalat —ang Lipeños Salted Eggs— ang inani ni Isaga. (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kadalasan niyang sangkap ang putik-asin at tubig. Hinahalo silang mabuti bago ibalot sa itlog na  nakapreserba  ng dalawang linggo bago lutuin at lagyan ng kulay pula.

Kaya hindi katulad ng ordinaryong itlog na maalat ang Lipeños Salted Eggs ni Isaga. Ang itlog na maalat ni Isaga ay kulay puti; bukod sa timplang putik-asin at tubig, hinaluan niiya rin ito ng  fermented  turmeric o likido ng luyang dilaw, at probiotic lactic acid).

Ang alat ng Lipeños Salted Eggs ay kakaiba kumpara sa karaniwang itlog na pula. “Hindi nakakasuya ang lasa ng itlog at kayang papakin kasi hindi matapang ang pagka-alat,” ayon kay Nilda Litan, 55, na suki ng Lipeños Salted Eggs.

Sa kulay pa lamang ng balat ng itlog na kulay puti ay nababawasan ang kaba ng kumakain, sa dulot ng alat na aniya ay masama rin ang epekto sa katawan kapag nasobrahan sa pagkain.

 

Puti ang itlog na maalat ng Lipeños Salted Eggs. (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

Puti ang itlog na maalat ng Lipeños Salted Eggs. (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

 

Ayon naman kay Jenny Horniila, agriculturist sa Agriculture Training Institute – International Training Center on Pig Husbandry na nakabase sa Lungsod ng Lipa, ang luyang dilaw aniya ay nakatutulong sa respiratory system ng tao. Ang probiotic lactid acid naman ay nakaka-igi sa sistema ng ating katawan. Nakatutulong rin aniya ang mga sangkap na ito upang mas tumagal ang itlog sa pagkasira o pagkapanis, dagdag ni Hornilla.

Nagkakahalaga ng P100 piso kada walong piraso, at P25 kada dalawang piraso, ang itlog na maalat ng Lipeños Salted Eggs. Sa kasalukuyam ay kumikita si Isaga ng P8,000 kada linggo, sapat sa pang-araw araw na gastusin at pambayad sa utang na ginamit niya sa paghahalaman  at paghahayupan sa kanyang bukid.

Unti-unti nang nakikilala ang kanyang produkto. Nitong nakaraang Semana Santa, naganap ang pinakamalakas na benta ni Isaga kung saan umano siya’y nakapagbenta ng 5,000 piraso ng itlog sa loob lamang ng ilang araw.

Maaring mabili ang Lipeños Salted Eggs sa harapan ng  Bigben Complex tuwing mga araw ng Martes, Huwebes at Sabado; at sa bakuran ng Lipa City Hall tuwing Biyernes.

 

 

This story can be published, broadcast and/or posted online provided The Filipino Connection and the article’s author/s are properly acknowledged. Editorial mistakes are the publisher’s. Email: thefilipino.connection@gmail.com.

About ARVEL MALUBAG