Jeepney driver, patay sa pamamaril sa Lipa

Dead on the spot ang isang 34-anyos na jeepney driver matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Talisay, Lipa, Batangas nitong Miyerkules.

Patay sa pamamaril ang biktimang kinilalang si Melvin Rosales.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas 4:30 ng madaling araw, tinatahak lamang ng biktima ang nasabing barangay lulan ng minamanehong jeep bigla nalang siyang pinag babaril ng di kilalang gunman.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan. Habang mabilis namang tumakas ang siapek matapos ang insidente.

Narekober mula sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng bala ng kalibre 45 baril

Inaalam pa naman ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek at ang motibo ng pagpatay sa biktima.

 

About JENNA RODRIGUEZA