Inuman, nauwi sa saksakan; 1 patay

Inuman, nauwi sa saksakan; 1 patay

Lungsod ng Lipa, Batangas – Nauwi sa trahedya ang dapat sana’y masayang inuman matapos na saksakin ng isang lalaki ang kanyang kainuman sa Barangay 2 nitong Sabado.

Patay na nang isugod sa ospital ang biktimang nakilalang si Samuel Sarmiento, residente ng ngasabing barangay.

Dakong alas-8:45 ng gabi, nag-iinuman lang umano ang biktima at ang suspek na si Jimmy Bautista nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa. Hanggang sa naglabas na lamang ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak sa dibdib ng biktima.

Dinala pa sa ospital ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Agad namang naaresto ng pulisya ang tumakas na suspek sa tulong ng mga barangay tanod.

About Jeremaiah Opiniano