Inhinyero, agaw buhay matapos pagbabarilin sa Tanauan

Lungsod ng Tanauan, Batangas – Agaw buhay pa rin sa ospital ang isang 44-anyos na inhinyero matapos na tambangan ng di pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Darasa nitong Linggo.

Nasawi sa pamamaril ang biktimang kinilalang si Edrelina Rosales.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakaya lamang ang biktima ng pamapasaherong tricycle ng mga oras na iyon ng bigla nalang siyang barilin ng riding in tandem at tsaka tumakas.

Habang nangyayari ang pamamaril ng mga suspek, ay sinubukan pang tumakas ng biktima at pinatakbo ng mabilis ang kanyang tricycle pero hinabol pa rin ito ng putok ng mga suspek.

Habang ang iba nitong pasahero ay nag talunan na sa nasabing sasayan sa takot na madamay sa pamamaril.

Dinala naman sa CP Reyes Hospital ang biktima kung saan ito ngayoy nagpapagaling. Nakuha naman sa pinangyarihan ng insidente ang anim na basyo ng di pa matukoy na kalibre ng baril.at inaalam pa ang posibleng dahilan ng pamamaril sa biktima.

About JENNA RODRIGUEZA