Hinihinalang tulak ng droga, arestado sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Arestado sa buybust operation ang isang 55-anyos na suspek matapos na mahuling umanoy nagbebenta ng droga sa Barangay Inosluban nitong Huwebes.

Huli sa aktong pagtutulak ang suspek na kinilalang si Meliton Montealto.

Bandang alas-11:30 ng umaga nang ikasa ng pulisya ang operasyon laban sa suspek matapos makatanggap ng tip na di umanoy may magaganap na bentahan ng droga sa nasabing barangay. Nasakote nila sa operasyon ang suspek na nahuling nagbebenta ng droga sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu. Nakakulong na ang suspek sa Lipa City police station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

About JENNA RODRIGUEZA