High value target, patay matapos umanong manlaban sa pulis sa Tuy

Tuy, Batangas – Patay ang isang high value target na drug suspect matapos di umanong
manlaban sa raiding team ng pulisya sa Barangay Luna nitong Linggo.
Kinilala ang suspek na si Arnel Garcia.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Tuy police, alas-5 ng hapon nang salakayin
ng Tuy police ang bahay ng suspek para magserve ng search warrant kaugnay ng
Kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act pero nang makita nyang
paparating ang raiding team ay bigla na lang nagpaputok ng baril ang suspek
kayat napilitang gumanti ang mga operatiba hanggang sa masugatan sa tama ng bala ang suspek.
Dinala pa sa Western Balayan Medical Center ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.
Narecover mula sa crime scene ang anim na basyo ng caliber 9 mm na baril, pitong pakete ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P136,530 at bigat na 73.8 gramo; isang pakete ng marijuana, isang weighing scale, aluminum foil, caliber 45 pistol na may chamber load at magazine, P2000 cash at m67 hand grenade.
Bukod ditoy may nakuha rin ang attending nurse na isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P2220 na itinurnover ng ospital sa pulisya.
About JENNA RODRIGUEZA