Fetus natagpuan sa loob ng bag sa Tanauan

Lungsod ng Tanauan, Batangas – Isang fetus ang natagpuang nakasilid sa ecobag ilang oras bago magsara ang Century Home Merchandise sa may Barangay Poblacion 4 ng bayang ito nitong Lunes.

Pasado alas-7:45 ng gabi nang makita ng baggage attendant ng tindahan ang isang kahinahinalang ecobag na naiwan ng may ari sa tindahan at nang kanyang bulatlatin ay laking gulat na lamang niya nang makita ang isang lalaking fetus na tuinatayang may timbang na 1.75 kilos.

Agad namang ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente at hanggang ngayon ay inaalam pa rin kung sino ang nag-iwan ng patay na sanggol sa nasabing tindahan.

About Jeremaiah Opiniano