Estudyante, patay; 1 pa sugatan sa pagkakuryente sa Lemery

Lemery, Batangas – Nauwi sa trahedya ang isa sanang masayang paglalaro ng grupo ng mga kabataan sa may Christian Memorial Park sa Barangay Palanas kahapon.

Patay ang isang 14-anyos na estudyante sa high school habang sugatan naman ang isa niya pang kapwa mag-aaral matapos na makuryente nang araw ding iyon.

Dead on the spot ang biktimang si John Carlo De Roxas habang sugatan naman at nagpapagaling pa rin sa ospital ang kapwa biktimang si Romuel Sabusap. Nakaligtas naman sa aksidente ang kasamahan nilang si Alvin Villanueva

Ayon sa report, naglalaro lamang ang tatlong magkakaibigan sa bubong ng isang mosoleo nang aksidenteng makuryente sila John Carlo at Alvin nang mapadikit sila sa isang kawad ng kuryente na may lakas na 69,000 kilovots.

Agad binawian ng buhay si John Carlo habang ginagamot naman sa  Batangas Provincial Hospital sa Lemery si Romuel.

About Jeremaiah Opiniano