Empleyado ng munisipyo, patay sa pamamaril sa Balayan

Balayan, Batangas – Dead on arrival na sa ospital ang isang 51-anyos na empleyado ng munisipyo matapos na tambangan ng di pa nakikilalang salarin sa Barangay Navotas ng bayang ito nitong Sabado.

Ayon sa report, tinatahak lamang ng biktimang si Wilfredo Loyola ang nasabing barangay lulan ng minamanehong motor nang bigla na lang siyang barilin ng gunman. Patay na nang isugod sa ospital ang biktimang.

Patuloy ang imbestigasyon sa suspek at sa motibo ng pamamaril.

About JENNA RODRIGUEZA