Driver, patay sa pamamaril sa Tanauan

Tanauan, Batangas – Dead on the spot ang isang 39-anyos na driver matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa Baranay Natatas nitong Lunes.

Patay sa pamamaril ang biktimang nakilalang si Mauro Malabanan.

Ayon sa report, pasado alas 7:40 ng gabi, naglalakad lang ang biktima ng mga oras na iyon sa nabanggit na lugar para sunduin ang kanyang asawa, nang bigla na lang dumating ang di pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ang biktima sa ibat-ibang parte ng katawan nito na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan ng motor.

 

Nakuha naman mula sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo ng kalibre 45 baril.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga tumakas na suspek at ang motibo ng pamamaslang.

About Jeremaiah Opiniano