Driver, binaril habang namamasada sa Tanauan

Lungsod ng Tanauan, Batangas – Dead on the spot ang biktimang si Ronnie Atienza matapos siyang pag babarilin ng riding in tandem habang namamasada sa Barangay Ambulong nitong Lunes ng hapon.
Ayon sa report ng mga pulis, bandang alas-2 ng hapon, minamaneho lang ng biktima ang kanayang pampasaherong jeep galing sa Talisay batangas.
Patungo sana siyang Tanauan City proper nang mga oras na iyon nang bigla nalang lumapit sa may gilid ng driver ang mga nakamotor na suspek, at ng makarating sa Barangay Ambulong Tanauan Batangas ay bigla nalang siyang pinaulanan ng bala na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Agad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.
Nakuha mula sa pinangyarihan ang tatlong  basyo ng di pa matukoy na kalibre ng baril. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang nasabing insidente.
About Jeremaiah Opiniano