Dating jail warden, patay sa pamamaril

Lungsod ng Batangas – Dead on arrival na sa ospital ang isang dating provincial jail warden matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Cuta nitong Linggo.

Patay sa pamamaril ang biktimang nakilalang si Renato Calingasan.

Ayon sa report ng pulisya, pasado ala-1:15 ng hapon, naglalakd lamang ang biktima sa kalsada malapit sa provincial jail nang bigla na lang sumulpot ang di kilalang mga armadong lalaki at pinagbabaril ang biktima sa ulo at iba pang parte ng katawan.

Patay na nang isugod sa ospital ang biktima habang agad namang tumakas ang mga suspek lulan ng berdeng kotse papunta sa direksyon ng Barangay Sta. clara.

Nabawi mula sa crime scene ang walong basyo ng di pa mabatid na kalibre ng baril. Iniimbestigahan pa kung may kinalaman nga ba sa trabaho ni Calingasan bilang warden ang motibo ng pagpaslang lalot napag-alamang sa panunungkulan niya nagsimulang pumasok ang droga sa Batangas provincial jail.

Patuloy ang imbestigasyon sa  insidente.

About Jeremaiah Opiniano