Dating guro, patay sa pananambang

Lungsod ng Lipa, Batangas – Dead on the spot ang biktima at dating gurong si Dennis Maralit matapos pag babarilin ng di pa nakikilalang mga riding in tandem sa Barangay San Lucas nitong Sabado.

Ayon sa report ng pulisya,  nakaupo lamang ang biktima sa may  Mekeni’s eatery sa kanilang barangay pasado alas 4:50 ng hapon nang bigla nalang dumating ang dalawang suspek na lulan ng itim na Yamaha Mio motorcycle at tsaka pinag babaril ang biktima sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Agad din namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente, habang nakuha naman mula sa pinangyarihan ng insidente ang apat na basyo ng di pa matukoy na kalibre na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

lights festival

About Jeremaiah Opiniano