Dating drug user, patay sa pamamaril sa Sto. Tomas Batangas

Sto. Tomas, Batangas – Patay ang 36-anyos na lalaking dating gumagamit ng droga matapos na tambangan ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Sta. Maria nang bayang ito nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Anatalio Sanico, residente ng Sec. 32 Lot 21 Blue Isle Subdivision sa nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi, naglalakad lamang ang biktima pauwi sa kanyang tahanan nang barilin siya ng di kilalang suspek gamit ang maikling armas.

Katatapos lamang ng biktimang samahan ang menor de edad na kaibigan niya nang mangyari ang pamamaril.

Onsehan sa droga ang isa sa mga tinitingnang anggulo ng pulisya sa krimen lalo’t napag-alamang dating gumagamit din ng droga ang biktima sa Las Piñas City.

Narekober mula sa pinangyarihan ang 13 basyo ng caliber 45 pistol.

About JENNA RODRIGUEZA