Construction worker, arestado sa pananaksak

Lungsod ng Batangas, Batangas – Huli sa pulisya ang isang 24-anyos na construction worker na di umano’y nanaksak sa isang videoke bar sa Barangay Balagtas nitong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Rafael Veloso.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-12:10 ng madaling araw, nakatayo lamang ang biktimang si Jayson Gupit sa harap ng nasabing bar nang bigla na lang itong saksakin ng suspek gamit ang kutsilyo at tsaka tumakas.

Naisugod naman sa ospital ang biktima na ngayo’y nagpapagaling sa mga tinamong sugat habang naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na ngayo’y nakakulong na sa Batangas City Police Station at inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanya.

About JENNA RODRIGUEZA