Caretaker patay sa pamamaril sa Lipa

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang suspek na bumaril sa lalaking ito sa Barangay Tangob, Lipa City. (Lipa PNP)

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang suspek na bumaril sa lalaking ito sa Barangay Tangob, Lipa City. (Lipa PNP)

Lipa, Batangas – Dead on the spot ang isang 48-anyos na caretaker ng lupa matapos na tambangan ng di pa nakikilalang mga suspek sa may Purok Siete, Barangay Tangob,  nitong Lunes.

Patay sa pamamaril ang biktimang nakilalang si Rogelio Amistad.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-9 ng umaga, naglalakad lamang ang biktima sa isang sakahan nang bigla na lang dumating ang magka-angkas sa motor na mga suspek at binaril sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad namang tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Nabawi mula sa crime scene ang apat na basyo at isang bala ng di pa mabatid na kalibre ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon sa mga suspek at sa motibo ng pamamaril.

About JENNA RODRIGUEZA