Business establishment, ninakawan sa Lipa

Business establishment, ninakawan sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Pinasok ng di kilalang magnanakaw ang isang business establishment sa Barangay Marawoy.

Pasado alas 7:50 ng  ng umaga noong Martes ng pumasok ang mga empleyedong sina Sherylyn Estroga at tatlo iba pa sa may puwesto ng Rey Marketing na pero pagdating sa loob ay nakita na lamang nilang gulo-gulo ang mga gamit.

Nawawala na rin ang ilang panindang powertools na tinatayang nagkakahalagang P26,283.00 at dalawang cellphone na pinaniniwalaang tinangay ng mga mag nanakaw.

Hinala ng mga biktima, sinira umano ng mga suspek ang dingding na gawa sa fiber wood at saka sila pumasok.

Iniimbestigahan naman ng mga kapulisan ang nangyaring insidente para sa agarang pagkakakilanlan ng mga tumakas na suspek.

About JENNA RODRIGUEZA