Binata, utas sa pamamaril

Tuy, Batangas – Patay ang isang 24-anyos na binatilyo matapos na pagbabarilin ng di kilalang suspek sa Barangay Bolbok nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktimang si Lorenzo Taborda, residente ng nasabing barangay. Si Taborda rin ang suspek sa naganap na pamamaril sa Barangay Luna nitong ika-16 ng Hunyo at dati na rin itong may kaso sa ipinagbabawal na gamot.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tuy Municipal Police, bandang alas-11:30 ng gabi, nakatayo lang ang biktima sa tapat ng kanilang bahay sa nabanggit na barangay nang bigla nalang dumating ang gunman at pinagbabaril na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Mabilis na tumakas naman ang suspek matapos ang pananambang. Inaalam pa ng pulisya ang katauhan ng suspek at ang motibo ng pagpatay.

About Jeremaiah Opiniano