Barangay Tanod patay sa pamamaril

Dead on arrival na sa ospital ang isang 72-anyos na barangay tanod matapos na pagbabarilin ng kanyang kapitbahay sa Barangay Talisay, Lipa, Batangas nitong Sabado.

 

Patay sa pamamaril ang biktimang nakilalang si Igmidio Mayor.

 

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya,  bandang alas-8 ng umaga, papasok lamang sana sa gate ng bahay ng kanyang amo ang biktima kasama ang kanyang apo nang bigla na lang sumulpot sa kanilang likuran ang suspek na si Casiano Medrano at pinagbabaril ang biktima sa likod dahilan para masugatan at mawalan ito ng malay.

 

Patay na nang isugod sa ospital ang biktima habang mabilis namang tumakbo palayo ang suspek matapos ang pamamaril.Tinutugis na ng pulisya ang suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong murder laban sa kanya.

About Jeremaiah Opiniano