Bantay, ninakawan sa ospital

Lungsod ng Lipa, Batangas – Nasalisihan ng di pa nakikilalang magnanakaw ang isang ginang na nagbabantay ng naka-confine niyang anak sa may Ospital ng Lipa nitong Sabado.

Kwento ng biktimang si Vilma Bautista, binabantayan lamang niya ang kanyang anak nitong Biyernes at nakatulog siya pero paggising niya kinabukasan ay napansin niyang nawawala na ang kanyang bag na naglalaman ng cellphone na nag kakahalagang P4,900 at wallet na nag lalaman ng ilang mahahalagang mga IDs.

Agad niyang inireport sa pamunuan ng ospital ang insidente at nireview nila ang CCTV footage nang oras na siya’y natutulog. Sa nasabing footage ay kitang kitang pumasok sa emergency room ng ospital ang isang di kilalang lalaki bago umalis.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang naturang salarin.

About Jeremaiah Opiniano