Bangkay ng umanoy salvage victim, natagpuan

Lungsod ng Lipa, Batangas – Bangkay na ng matagpuan ang isang 18-anyos na lalaki na nakitang nakahandusay sa may kanal sa Barangay San Lucas nitong Biyernes.

Kinilala ang biktimang si Mark Joseph Peneras, taga-Sto. Tomas, Batangas.
Tadtad ng tama ng bala sa katawan, may busal ng tela sa bibig at nakagapos ang mga kamay at paa nito nang madiskubre bandang alas-6:30 ng umaga nitong Biyernes.
Ayon sa pulisya posibleng sa ibang lugar muna binaril at pinatay ang biktima bago ito itinapon para mailigaw ang imbestigasyon. Narekober mula sa crime scene ang dalawang basyo ng caliber 9 mm na baril.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa suspek at sa motibo ng pagpatay.
About Jeremaiah Opiniano