Bangkay ng umanoy salvage victim, nakita sa Taysan

Karumal dumal na pagkamatay ang sinapit ng di pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage na itinapon sa Taysan, Batangas. (photo by Taysan PNP)

Karumal dumal na pagkamatay ang sinapit ng di pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage na itinapon sa Taysan, Batangas. (photo by Taysan PNP)

Taysan, Batangas – Isang bangkay ng di pa nakikilalang lalaking hinihinalang biktima ng summary executions ang natagpuan sa may gilid ng national road sa Barangay Bacao ng bayang ito nitong Miyerkules.

Walang pang-itaas na suot, balot ng duct tape ang ulo, nakagapos ang mga kamay at may mga tama ng bala sa ulo ang bangkay nang madiskubre ito mag-a-alas sais diyes ng umaga kahapon.

Hinala ng pulisya, posibleng sa ibang lugar muna pinatay ang biktima bago ito itinapon sa nasabing kalsada para mailigaw ang imbestigasyon lalo’t ayon sa mga residente ay wala naman silang narinig na ingay at putok ng baril nang gabi ring iyon.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

 

 

 

About MARLON ALEXANDER LUISTRO