Bangkay ng lalaking tadtad ng saksak, natagpuan sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaki sa isang madamong bahagi ng Barangay San Celestino nitong Lunes.

Tadtad ng saksak sa katawan at naliligo na sa sariling dugo ang biktimang nakilalang si Jesus Villarin na taga-Barangay San Benito.

Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga, mangangahoy lamang ang magpipinsang sila Resty, Ryat at Paul sa may Mt. Tanglar sa naturag barangay nang makita na lamang nila ang walang buhay na katawan ng biktima.

Sa pagtatanong ng mga pulis ay nabanggit ng anak ng biktima na si Jinky ang pangalan ng isang Junel Morado na siyang suspek sa pamamaslang lalo’t napag-alamang  ang kalive in umano ng kanyang ama na si Marilyn Salvador ay siya ring kalive in ng suspek.

Ayon pa kay jinky, madalas din daw pumunta sa kanila ang suspek na galit at hinahanap ang kanyang ama. Patuloy naman ang pag iimbestiga ng mga pulis sa insidente.

About Jeremaiah Opiniano