Bangkay ng lalaki, natagpuan sa Taal Lake sa Laurel, Batangas

Laurel, Batangas – Isang naaagnas na bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang nalunod ang natagpuang palutang-lutang sa may Barangay Balakilong nitong Sabado ng umaga.

Wala pang pagkakakilanlan ang pulisya sa biktimang may tinatayang nasa edad 40 hanggang 45 anyos at nasa 5’4 ang taas.

Ayon sa report ng mga pulis, pasado alas 8 ng umaga, nag lalakad lang si Michael Garcia sa tabi ng lawa ng makita niya ang naaagnas na bangkay ng biktimang palutang lutang sa lawa. Dinala na sa funeraria ang bangkay ng biktima na sasailalim sa autopsy para mabatid sa sanhi ng pagkamatay nito.

About JENNA RODRIGUEZA