Bangkay ng lalaki, natagpuan sa Laurel

Laurel, Batangas – Iniimbestigahan pa rin ng pulisya kung sino nga ba ang nasa likod ng pagpaslang sa isang di pa nakikilalang lalaki na natagpuang patay sa Barangay San Gregorio ng bayang ito nitong Miyerkules.

Bandang alas-4 ng hapon nang matagpuan ang lalaking tadtad ng bala sa katawan sa may damuhan. Tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 anyos ang lalaki at may taas na 5’5.

Ayon sa posible umanong pinatay ang biktima sa ibang lugar at itinapon lang doon para mailigaw ang imbestigasyon.

About Jeremaiah Opiniano