Bangkay ng babae, natagpuan sa Balayan

Balayan, Batangas – Bangkay na nang matagpuan ang isang babae sa may damuhan sa Barangay Sampaga nitong Lunes.

Tadtad ng tama ng bala sa katawan at naliligo na sa sariling dugo ang biktima nang madiskubre ito ng isang Bong De Guzman dakong alas-11:50 ng umaga. Wala pang pagkakakilanlan ang pulisya sa biktimang tinatayang nasa taas na 4’6, naka bestida at tsinelas, at may red at brown na buhok.

Agad namang inireport sa barangay at sa pulisya ang nasabing insidente at sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng biktima at ng suspek at ang motibo sa pagpaslang.

About JENNA RODRIGUEZA