Bahay ng negosyante, ninakawan sa Rosario

Isang matinding bangungot ang narasanan ng 63-anyos na negosyanteng si Maximo Casabuena matapos na pagnakawan ng di pa nakikilalang salarin ang kanyang tahanan sa Barangay Bulihan, Rosario, Batangas.

Sa salaysay ng biktima, kagigising lamang niya bandang alas-kuwatro ng madaling araw nitong Linggo nang madiskubre na lamang niyang nawawala na pala ang ilang mga gamit na nakapatong sa cabinet gaya na lamang ng wallet na naglalaman ng P15,000, dalawang cellphone at wristwatch, na pinaniniwalaang tinangay ng di kilalang suspek.

Ayon sa pulisya, dumaan umano ang mga suspek sa nakabukas na bintana sa sala bago tumakas dala ang mga ninakaw na gamit.

Bagaman alas-kuwatro ng madaling araw nangyari ang nakawan ay alas-8:40 na ng umaga nang inireport ng bitkima ang insidente sa pulisya.

Aabot sa mahigit kumulang P53,000 ang halaga ng pera at ari-ariang natangay mula sa biktima. Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ang nasabing insidente.

 

 

About Jeremaiah Opiniano