Assistant supervisor, patay sa pamamaril sa Sto. Tomas

Patay ang isang 35-anyos na assistant supervisor matapos na pagbabarilin sa may entrance gate ng Ponte Verde Subdivision sa Barangay Santiago, Sto. Tomas, Batangas nitong Martes ng gabi.

Nasawi sa pamamaril ang biktimang kinilalang si Clifton John Galasinao, taga-Tanauan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng gabi, naglalakad lamang ang biktima kasama ang kanyang kasintahan palabas ng nasabing subdivision nang bigla na lang sumulpot ang di kilalang gunman at binaril sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek at ang motibo ng pamamaril.

About JENNA RODRIGUEZA