43 anyos sugatan sa piccolo

San Juan, Batangas – Sugatan ang isang 43-anyos na lalaki matapos na masabugan ng paputok na piccolo nitong bisperas ng Bagong Taon sa Barangay Bataan ng bayang ito.

Ayon sa report, bandang alas-3 ng hapon nang mamulot ng paputok ang biktimang si Randy Dapog nang sa kasamaang palad ay bigla na lang itong sumabog sa kanyang kanang kamay. Dinala na sa San Juan Doctors Hospital ang biktima kung saan ito ngayo’y nagpapagaling.

 

 

About JENNA RODRIGUEZA