42 anyos na lalaki, patay sa pamamaril sa Balete

Balete, Batangas – Dead on arrival na sa ospital ang isang 42-anyos na lalaki matapos na tambangan ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Solis nitong Sabado ng gabi.

Patay sa pamamaril ang biktimang kinilalang si Aldrin Vergara.

Ayon sa report, natutulog lang umano ang biktima ng mga oras na iyon sa kanilang terrace ng biglang dumating ang suspek at pinag babaril ang biktima na tinamaan sa ulo nito na agad na dinala sa pagamutan,para sa agarang lunas ngunit idinikalara na itong dead on arrival ng doktor.
Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang insidente. Inaalam pa naman ng mga pulis ang posiblemg dahilan ng pag patay sa biktima Nakuha naman sa pinangyarihan ang tatlo basyo ng bala ng cal. 45 baril.

About JENNA RODRIGUEZA