40-anyos na tindera patay sa pamamaril sa Tanauan

Lungsod ng Tanauan- Dead on the spot ang isang 40-anyos na tindera matapos na tambangan ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Sambat nitong Sabado.

Patay sa pamamaril ang biktimang nakilalang si Myrna Tolentino.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pasado alas-4:59 ng madaling araw kausap lamang ng biktima ang customer sa kanyang tindahan nang biglang dumating ang di pa nakikilalang sspek at pinag babaril ang bktima nananging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Habang mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente gamit ang pulang sasakyan na walang plaka.

Nakuha mula sa pinangyarihan ang 1 basyo ng bala cal. 40 na baril.
Inaalam pa ng mga pulis ang posibleng dahilan ng pagpatay sa biktima.

About JENNA RODRIGUEZA