4 bangkay, natagpuan sa loob ng rain water tank sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Bangkay na nang matagpuan sa loob ng isang tambakan ng tubig ulan ang apat na trabahador sa Barangay San Francisco ng bayang ito nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sila Jimuel Dimaculangan, 30 anyos; Jose Balboa, 47; Enrique Erilon, 37 at Jasper Espejo, kapwa residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report,  badang alas 7:15 ng umaga.nakita at nadiskubre ni Rufino Tagle, kapatid ng biktimang si Dimaculangan ang mga biktima na wala ng buhay at nakalutang na sa nabanggit na tambakan ng tubig,kayat agad iya itong ipinag bigay alam sa kina uukulan.

Sa pag-iimbestiga ng mga pulis, ang naturang imbakan ng tubig ay walang ibang butas, kundi ang daanan lamang nito papasok.

Napag-alaman din na ang mga biktima ay nag-tatrabaho sa loob ng imbakan na bahagi ng itatayong resthouse at pinaniniwalaang namatay dahil sa suffocation ang mga manggagagawa.

About JENNA RODRIGUEZA