3 patay sa pamamaril sa Nasugbu

Nasugbu, Batangas – Dead on arrival na sa ospital ang tatlong biktima matapos na pagbabarilin ng di kilalang suspek sa Barangay Bucana nitong Linggo.

Kinilala ang mga nasawing biktimang sila Rebeccah Mallari, Demetrio Alarcon at Gemma Flores.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas 12:10 ng madaling araw, naglalakad lang ang mga biktima papunta sa bahay ni Mallari nang biglang dumating ang mga nakamotor na suspek at pinagbabaril sila.

Patay na nang isugod sa ospital ang mga biktima. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga tumakas na suspek at ang motibo ng pamamaril.

About JENNA RODRIGUEZA