3 magkapatid, arestado sa pananaksak sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Sa kulungan ang bagsak ng magkakapatid , matapos nilang pag tulong tulungang bugbugin at saksakin ang nakaalitang biktima sa Barangay Mataas na Lupa nitong Linggo.

Kinilala ang mga suspek na sila na Resty,Rolly, at Rodel Mendoza.

Ayon sa report ng mga pulis, ipinarad lang ng biktimang si Jerome Gregorio ang kanyang motorsiklo sa tapat ng barangay hall ng barangay Mataas na lupa , saka naglakad pauwi.

Pero hindi pa man nakaka layo ay nakasalubong ng biktima si Resty, at doon nagkaroon sila ng sagutan na nauwi sa suntukan.

Sa halip na awatin ng dalawa pang Mendoza ang pag-aaway ng dalawa ay tumulong pa ito sa pakikipag away,at hindi pa nakuntento at hinawakan pa nila ang biktima saka sinaksak.

Agad na nadala sa pagamutan ang biktima para sa agarang lunas, habang inaresto naman ang tatlong suspek.

About JENNA RODRIGUEZA