21-anyos na binatilyo, sugatan sa pamamaril

Lungsod ng Batangas, Batangas – Nagpapagaling pa rin ngayon ang isang 21-anyos na lalaki na nasugatan makaraang tambangan sa Barangay Soro-Soro Karsada ng lungsod na ito nitong Sabado.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:30 ng hapon, nakaupo lamang ang biktimang si Joshua Untiveros nang bigla na lang dumating ang suspek na si Nomer Plata at pinagbabaril ang biktima dahilan para mawalan ito ng malay.

Agad na dinala sa ospital ang biktima na ngayo’y patuloy na nagpapagaling habang tumakas naman ang gunman lulan ng motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek.

Nakuha mula sa pinangyarihan ang dalawang basyo at isang deformed bullet ng cal. 40 na baril. Tinutugis na ng pulisya ang tumakas na suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

About JENNA RODRIGUEZA