2 hinihinalang magnanakaw, pinaghahanap

Lungsod ng Lipa, Batangas – Tinutugis pa rin ng pulisya ang dalawang binatilyo na di umano’y nagnakaw ng pera at ilang mga gamit mula sa isang tindahan sa Barangay San Benito nitong Lunes.

Kinilala ang mga suspek na sila Mark Anthony Hugo at Ron-Ron Cabrera.

Ayon sa report, natutulog lamang umano ang 14-anyos na biktimang itatago natin sa pangalang “Charie” may billiard hall nang bigla na lang umano itong magising nang makarinig ng ingay mula sa tindahan na pagmamay-ari ni Mary Jean Rentosa na malapit sa naturang bilyaran.

Agad niyang pinuntahan ang nturang tindahan para tingnan kung saan nag mumula ang ingay pero laking gulat na lamang niya nang makita niya ang suspek na si Mark Anthony nag pupumilit na pumasok sa tindahan.

Kinuha umano ng suspek ang gamit sa naturang tindahan at pinagbantaan umano si Charie na may mangyayaring masama sa kanya pag nagsumbong.

Dali-daling tumakas ang suspek sakay ng isang tricycle na di naplakahan.

Nakita ni “Charie” si Cabrera sa labas ng tindahan, kayat humingi siya ng tulong dito pero sa halip na tulungan ay pumasok din ito sa naturang tindahan at kumuha din ng mga bagay sa loob , saka tumakas.

Doon na huminging tulong ang dalagita  sa may ari ng tindahan, at napag alaman na tinangay ng mga suspek ang perang nagkakahalagang  P150,000 at pitong Nokia cellphone.

Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong qualified theft at grave threats in relation to RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

 

About Jeremaiah Opiniano